Ayon kay PNP spokesperson Dionardo Carlos, posibleng nakaapekto ang paulit-ulit na pagbanggit ng media sa EJKs nang magsagawa ng survey ang Social Weather Stations (SWS) noong nakaraang buwan sa resulta nito.
Aniya, maaring pinatindi aniya nito ang pagkabahala ng mga mamamayan sa kanilang sariling seguridad.
Matatandaang base sa survey ng SWS, bumaba mula sa +66 mula sa dating +77 ang public net satisfaction rating sa kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga.
Binatikos rin ni Carlos ang paraan ng pagkakabuo ng survey question. Kahit sino naman aniya ay matatakot kung tatanungin sila ng “Are you afraid to die through EJK?” tulad ng tanong sa survey.