Taktika ng PNP kontra droga, dapat nang baguhin ayon kay Lacson

By Kabie Aenlle April 20, 2017 - 04:35 AM

dead jones bridgeHinimok ni Sen. Panfilo Lacson ang Philippine National Police (PNP) na ibahin na ang diskarte sa pagharap sa problema ng iligal na droga sa bansa.

Ito’y matapos mabawasan ang kumpyansa at suporta ng publiko sa isinasagawang drug war ng pamahalaan.

Gamit na gamit na aniya masyado ang taktikang ginagamit ng PNP at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Napapagod na aniya ang mga tao na makarinig ng mga ulat tungkol sa summary executions ng mga drug suspects.

Isa aniyang halimbawa na maaring gawin ng PNP bilang kapalit, ay ang pagresolba sa mga vigilante killings at pagaresto sa mga nasa likod nito.

Ayon kay Lacson, dapat ay may maipakitang solusyon ang PNP sa mga deaths under investigation (DUI).

Gayunman, naniniwala si PNP spokesperson Senior Supt. Dionardo Carlos na walang dapat baguhin sa kanilang diskarte laban sa iligal na droga.

Giit ni Carlos, pagsubok para sa kanila ang kinilabasan ng resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS), ngunit nilinaw niyang hindi naman totoo ang state-sponsored na mga pagpatay sa bansa.

Dagdag pa ni Carlos, ang mga pagkamatay ay bumubuo lamang sa 0.2 percent ng mga taong sangkot sa iligal na droga na kanilang nakaharap.

Mapayapa naman kasi aniyang sumuko sa kanila ang 95 percent o 1.18 million, kasama na ang mga buhay na naaresto.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.