Kinilala ni Joint Task Force Sulu Commander BGen. Cirilito Sobejana ang napatay na bandido na si Jah Adul alias Jah.
Isang babae at 33 mga lalaki naman ang naaresto ng mga otoridad sa nasabing operasyon.
Ayon kay Sobejana, mga combined drug personalities at mga bandidong Abu Sayyaf ang nakalaban ng mga sundalo sa ops na pinangunahan ng 45th Infantry Battalion at Sulu PNP.
Naka rekober din ang militar ng apat na armas kabilang ang isang M16 rifle at tatlong caliber .45 pistol, mga drug paraphernalias, 3 large heat sealed sachet, limang granada.
Napag-alaman na hideout din ng mga drug personalities sa Sulu ang lugar kasama ng mga miyembro ng bandidong grupo.
Kinumpirma din ni Sobejana na isang sundalo ang sugatan pero stable na ang kondisyonsa sa ospital.