Abu Sayyaf patay, 34 pa arestado sa military ops sa Sulu

By Ruel Perez April 20, 2017 - 04:28 AM

 

patikul-mapPatay ang isang hinihinalaang miyembro ng bandidong Abu Sayyaf habang 34 na iba ang naaresto sa isinagawang joint law enforcement operations ng Joint Task Force Sulu sa Barangay Danag, Patikul, Sulu.

Kinilala ni Joint Task Force Sulu Commander BGen. Cirilito Sobejana ang napatay na bandido na si Jah Adul alias Jah.

Isang babae at 33 mga lalaki naman ang naaresto ng mga otoridad sa nasabing operasyon.

Ayon kay Sobejana, mga combined drug personalities at mga bandidong Abu Sayyaf ang nakalaban ng mga sundalo sa ops na pinangunahan ng 45th Infantry Battalion at Sulu PNP.
Naka rekober din ang militar ng apat na armas kabilang ang isang M16 rifle at tatlong caliber .45 pistol, mga drug paraphernalias, 3 large heat sealed sachet, limang granada.

Napag-alaman na hideout din ng mga drug personalities sa Sulu ang lugar kasama ng mga miyembro ng bandidong grupo.

Kinumpirma din ni Sobejana na isang sundalo ang sugatan pero stable na ang kondisyonsa sa ospital.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.