Umabot sa 1,257 pasahero, 33 vessels, 39 motor bancas, 2 rolling cargoes at 18 bangkang de motor ang stranded sa iba’t ibang pantalan sa bansa dahil sa pananalasa ng bagyong Ineng ayon sa Philippine Coast Guard.
Sa Cebu naitala ng PCG ang pinakamaraming naantalang biyahe kung saan 867 na pasahero, 18 vessels at isang bangkang de motor ang nananatiling hindi maka-alis sa mga pantalan dahil sa hindi magandang kundisyon ng dagat.
Bukod sa Cebu, ang mga pantalan sa Aparri, Ormoc, Bacolod, Roxas, San Jose de Buenavista, Tagbilaran, Sorsogon, Masbate, Camarines Sur, Batangas, Romblon, Puerto Princesa, El Nido, at Coron ay may mga naantala ring byahe dahil sa bagyo.
Samantala, sa panayam naman ng Radyo Inqruirer kay National Disaster Risk Reduction and Management Council Spokesperson Romina Marasigan, nananatiling sarado ang Kennon Road sa Baguio City, pero nananatili namang bukas ang Marcos Highway para sa mga pasaherong kailangang bumyahe patungong Baguio sa kabila ng malakas na pag-ulan./Kathleen Betina Aenlle
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.