Mga pulis na nagpakalat ng intriga kaugnay sa EJK balak kasuhan ng PNP

EJKDapat umanong kasuhan ang dalawang police officers na nag-aakusa sa pamahalaan nang pagkakasangkot ng mga pulis sa mga kaso ng Extra Judicial Killings (EJK) sa ilalim ng war on drugs ng pamahalaan.

Nauna nang lumabas ang mga report na may katumbas umanong bayad ang bawat napapatay na drug personality.

Sa ngayon tumanggi munang magsalita at magbigay ng komento si PNP Spokesman S/Supt. Dionardo Carlos kaugnay sa nasabing isyu na umano’y naka-detalye sa isang 26-page report base na rin sa inilathalang ulat ng Reuters.

Iginigiit din ni Carlos na ang nasabing isyu ay nasagot na dati ni PNP Chief Ronald Dela Rosa at hindi nila maintindihan ngayon kung bakit pilit binubuhay ang isyu.

Kasabay nito, hinamon ni Carlos ang dalawang senior police officers, isa umano dito ay retiradong intelligence officer at ang isa ay nasa active duty bilang isang commander na lumantad para patunayan ang kanilang mga akusasyon.

Read more...