Honorary degree mula sa U.P tinanggihan na ni Duterte
“With due respect sa University of the Philippines, I do not accept even if I was mayor. Hindi ako tumatanggap, as a matter of personal and official policy, I do not accept awards. Wala sa pagkatao ko… Hindi ko nire-reject. To use reject… I simply declined”.
Yan ang naging tugon ng pangulo kaugnay sa lumabas na report na balak siyang pagkalooban ng University of the Philippines Board of Regents ng honoris causa of law degree.
Sa isang panayam sa lalawigan ng Bohol, sinabi ng pangulo na maging noong siya ay mayor pa lamang ng Davao City ay hindi na niya naging ugali ang dumalo sa mga awarding ceremony lalo na kung siya ang bibigyan ng pagkilala.
Nauna dito ay umani ng batikos mula sa iba’t ibang mga grupo sa U.P ang nasabing plano na pagbibigay ng pagkilala sa pangulo.
Kanilang sinabi na hindi dapat bigyan ng parangal ang pangulo dahil sa pagkakasangkot nito sa mga kaso ng Extra Judicial Killings lalo na sa pagpapatupad ng kampanya ng pamahalaan kontra sa iligal na droga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.