Malacañang naghahanda na sa pagbisita ni U.S President Trump sa bansa

donald-trump
AP

Nagpahayag na ng kahandaan si U.S President Donald Trump na dumalo sa Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) meeting na gaganapin sa bansa sa Nobyermbre.

Sa pulong balitaan sa Malacañang, sinabi ni Ambassador Marciano Paynor, Chairman ng ASEAN National Organizing Committee na base sa pag-uusap sa telepono nina Pangulong Duterte at Trump noong Nobyembre ay nagpahayag na ito ng interes na bumisita sa Pilipinas.

Dagdag ni Paynor, sigurado na ring dadalo ang siyam na lider ng ASEAN member states.

Katunayan, sinabi ni Paynor na ngayong April 27 ay may bilateral visit si Sultan Hassanal Bolkiah ng Brunei.

Kasabay ito ng Brunei, Indonesia, Malaysia Philippines East Asean Growth Area (BIMP-EAGA) at ASEAN Senior Officials Preparatory Meetings.

May state visit o bilateral visit din aniya sa Pilipinas si Indonesian President Joko Widodo sa April 28 na gaganapin naman sa Davao City.

Sa April 29 gaganapin ang actual summit kung saan dadalo ang sampung head of states na gaganapin sa PICC.

Susundan ito ng gala dinner kung saan magsisilbing host si Pangulong Duterte.

Read more...