Hindi naglalaway si Pangulong Rodrigo Duterte na magawaran ng Honorary Doctorate Degree ng University of the Philippines Board of Regents.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, noon pa man ay hindi naghahabol ng anumang award ang pangulo.
Gayunman, sinabi ni Abella na may posibilidad naman na tanggapin ng pangulo ang nasabing pagkilala.
Sa ngayon ayon sa kalihim ay wala namang opisyal na komunikasyon mula sa U.P Board of Regents ukol sa naturnag parangal.
Sinabi ni Abella na sign of goodwill na mabigyan ng parangal mula sa isa sa tatlong premiere educational institutions sa Pilipinas.
Ilang mga grupo mula ang University of Philippines ang nauna nagsabi na kanilang tututulan ang pagbibigay ng honorary doctor of laws degree sa pangulo.