Pagpunta ng Pamilya Binay sa Israel hinarang ng Ombudsman
Hinarang ng Office of the Special Prosecutor ng Ombudsman ang kahilingan nina dating vice president Jejomar Binay Sr. at kanyang anak na si Jejomar “Junjun” Binay Jr. na tumulak sa Israel para sa isang pilgrimage sa May 15-19.
Ayon sa prosekusyon, maituturing na panganib o ‘flight risk’ ang mag-amang Binay, kasama ang asawa ng nakatatandang Binay na si Elenita.
Ito ay dahil sa kinahaharap na kasong graft ng pamilya.
Maliban dito, hindi rin nakapagbigay ng iba pang professional at personal na dahilan ang mga ito na mapilitang bumalik sa bansa.
Sinabi ng prosekusyon na dapat lamang na limitahan ang karapatan ng mga Binay na bumyahe lalo na’t ang bansa at mga mamamayan ang ‘offended party’ sa mga kasong kinakaharap ng mga ito.
Ang mag-amang Binay ay nahaharap sa kasong malversation, graft at falsification of public documents dahil sa umano’y overpricing ng Makati Car Park building na na nagdulot ng P2.2 Billion kawalan sa pondo ng publiko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.