Duterte biyaheng Bohol para sa paghahanda sa ASEAN meeting
Personal na iinspeksyunin ngayong hapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pasilidad at ang gagawing ASEAN security briefing sa Tagbilaran City, Bohol.
Sinabi ng ilang Malacañang sources na biglaan ang desisyon na pagpunta ng pangulo sa nasabing lalawigan dahil kailangan rin niyang bumalik sa Maynila sa isang event sa Mall of Asia at 80th birthday celebration ni dating pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada.
Sa pulong balitaan sa Malacañang, sinabi ni Ambassador Marciano Paynor, Chairman ng ASEAN National Organizing committee na nagsimula na kanina ang intercessional regional economic partnership trade negotiating committee meeting.
Ayon kay Paynor, tuloy pa rin ang meeting kahit na umatake noong nakaraang linggo sa Inabanga, Bohol ang ilang miyembro ng Abu Sayyaf Group.
Giit ni paynor, hindi magpapa-apekto sa banta ng terorismo ang Pilipinas at mga kasapi ng ASEAN.
Samantala… aabot na sa 51 sa kabuuang 137 meetings para sa ASEAN ngayong taon ang natapos kabilang dito ang walong ministerial meeting, pati na rin ang 20 senior officials at 23 technical working group meetings.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.