Presidential son Paolo Duterte, binuweltahan ang mga tutol sa paggawad ng honorary doctorate degree sa kanyang ama

By Chona Yu April 19, 2017 - 02:20 PM

Paolo duterteHinamon ni Presidential son Paolo Duterte ang mga tumututol sa desisyon ng University of the Philippines Board of Regent na gawaran ng honorary doctorate degree ang kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte na akuin na lamang ang naturang honorary award kung iyan ang gusto nila.

Ito ang naging bwelta ng presidential son sa mga kritiko ng kanyang ama.

Ayon kay Davao City Vice Mayor Paolo Duterte, wala nang hihigit pang pagkilala ang iboto ng sambayanan ang kanyang ama bilang pangulo ng bansa.

Kung tutuusin, ayon sa nakababatang Duterte, noon pa man ay inaayawan na ng kanyang ama ang mga iginagawad na honorary degree dahil hindi niya ito pinaghirapan at madalas ay ayaw niya ng anumang public recognition.

Magugunitang noong Hulyo ng 2016 ay naglabas ng direktiba si Pangulong Duterte sa lahat ng sangay ng pamahalaan na pinagbabawal ang paggamit ng katagang “Honorable” at “His Excellency” kapag siya ay pinakikilala bilang pangulo sa mga pagtitipon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.