Hiling ng mag-amang Binay na tumulak sa Israel para sa pilgrimage, kinontra ng state prosecutors

By Rohanisa Abbas April 19, 2017 - 02:19 PM

BinaysTinanggihan ng Office of the Special Prosecutor ng Ombudsman ang kahilingan nina dating vice president Jejomar Binay Sr. at kanyang anak na si Jejomar “Junjun” Binay Jr. na tumulak sa Israel para sa isang pilgrimage sa May 15-19.

Ayon sa prosekusyon, maituturing na panganib o ‘flight risk’ ang mag-amang Binay, kasama ang asawa ng naktatandang Binay na si Elenita. Ito ay dahil sa kinahaharap na kasong graft ng pamilya.

Maliban dito, hindi rin nakapagbigay ng iba pang professional at personal na dahilan ang mga ito na mapilitang bumalik sa bansa.

Sinabi ng prosekusyon na dapat lamang na limitahan ang karapatan ng mga Binay na bumyahe, lalo na’t ang bansa at mga mamamayan ang ‘offended party’ sa mga kasong kinakaharap ng mga ito.

Ang mag-amang Binay ay nahaharap sa kasong malversation, graft at falsification dahil sa umano’y overpricing ng Makati car park building na na nagdulot ng 2.289 bilyong pisong kawalan sa pondo ng publiko.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.