Tangkang seajacking sa Zamboanga del Norte, napigilan ng militar

By Rohanisa Abbas April 19, 2017 - 02:18 PM

Zamboanga del norteNapigilan ng militar ang tangka ng mga pirata na mag-seajack sa Siocon, Zamboanga del Norte.

Ayon sa tagapagsalita ng Western Mindanao Command na si Capt. Jo-Ann Petinglay, naaktuhan ng sundalo na papaakyat na sa MV Anabelle ang mga armadong lalaking sakay ang tatlong bangka.

Agad namang umatras ang mga pirata nang matunugang papalapit na ang air at naval forces.

Sinamahan naman ng militar ang MV Anabelle at ligtas na nakadaong sa Zamboanga City. Lulan ng barko ang 21 tauhan.

Ayon kay Petinglay, nagpadala ng mga barko at dalawang chopper ang ang militar nang makatanggap ito ng distress call. Namataan ng mga tauhan ng MV Anabelle na papalapit ang mga armadong lalaki dakong alas-8:00 ng umaga ng Martes.

Hindi naman malinaw kung anong grupo ang nasa likod ng tangkang seajacking.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.