Palasyo, hindi nababahala sa pagbaba ng public net satisfaction rating sa anti-drug campaign ng Duterte administration

By Chona Yu April 19, 2017 - 01:26 PM

Duterte Peru2
FILE PHOTO

Hindi nababahala ang Palasyo ng Malakanyang sa pagbaba ng bilang ng mga Filipino na nagtitiwala sa anti-drug war campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Base sa SWS survey na ginawa noong March 25 hanggang 28, nasa positive 66 na lamang ang public net satisfaction rating na nakuha ng administrasyon.

Ito ay 11 percent na sa postive 77 percent na nakuha sa huling quarter ng 2016.

Ikinatatakot ng publiko na baka sila na ang mabiktima ng extra judicial killings.

Pero ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, kung tutuusin kahit na bumaba ang rating, maituturing na marami pa rin sa mga Filipino ang nagtitiwala sa kampanya ng pangulo laban sa ilegal na droga kung saan lumalabas na 78 percent ang nagpahayag na kuntento pa rin sila.

Sinabi pa ni Abella na kahit na maraming batikos na natatanggap ang administrasyon, karamihan sa mga Filipino ang nagsasabi na mas ligtas sila ngayon sa bahay maging sa kalsada.

Seryoso din aniya ang Philippine National Police na resolbahin ang nagaganap na EJK sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.