NCRPO, magpapakalat ng checkpoints para sa idadaos na ASEAN leader’s meeting sa susunod na linggo

asean2017
FILE PHOTO

Maglalatag na ng mga checkpoint ang National Capital Region Police Office sa Metro Manila bilang bahagi ng paghahanda sa isasagawang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Leader’s Meeting sa susunod na linggo.

Ayon kay NCRPO Spokesperson Chief Insp. Kimberly Molitas, walang pipiliin at isasailalim sa checkpoint ang lahat ng mga sasakyan kabilang ang mga motorsiklo at mga pribadong motorista.

Ani Molitas, sasabayan nila ito ng all-out anti-criminality campaign na ikinakasa ng NCRPO katuwang ang Joint Task Force NCR para matiyak na walang magiging aberya sa idadaos na ASEAN Leader’s Summit na isasagawa sa April 24-29.

Dahil dito, mananatili sa full alert status ang Philippine National Police kung saan ipapatupad ang maximum deployment ng kanilang mga personnel para magbantay.

Samantala, aminado si Molitas na magiging hamon sa NCRPO ang pag manage ng trapiko lalo at wala aniyang inallocate na special lane para sa mga darating na ASEAN leaders.

Read more...