Panibagong transmission tower ng NGCP, binomba sa Cotabato
Isa pang transmission tower ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang binomba sa Cotabato.
Sa kanilang Facebook post, sinabi ng NGCP na binomba ang Tower #68 ng Kibawe-Kabacan 138 kilovolts sa Barangay Pagangan sa bayan ng Aleosan, gabi ng Martes.
Pero sa kabila nito, hindi naman bumagsak ang naturang transmission tower.
Isasagawa aniya ang pagsasaayos sa binombang transmission tower kapag na-secure na ng militar at mga pulis ang lugar.
Ngayon ay hindi wala pang detalye ang mga otoridad ukol sa grupong nasa likod ng pambobomba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.