20 na bahay at furniture factory, tinupok ng apoy sa magkahiwalay na sunog sa Davao City

fire-stock-photo (1)
FILE PHOTO

Aabot sa dalawampung bahay at isang furniture factory ang tinupok ng apoy sa Davao City.

Batay sa inisyal na impormasyon, nagsimula ang sunog sa Barangay 76-A, na mabilis kumalat sa kalapit na barangay dahil sa malakas na hangin.

Tinatayang hindi bababa sa P900,000 ang pinsalang idinulot ng naturang sunog.

Sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang sanhi ng sunog.

Samantala, sa Barangay Bago Aplaya sa lungsod pa rin ng Davao at isa namang furniture factory ang tinupok din ng apoy.

Mabilis na kumalat ang apoy dahil sa mga materyales sa loob ng factory na pawang mga highly flammable.

Nabatid din na gawa sa light materials ang nasabing pabrika.

Wala naman nasugutan sa naturang sunog na pinaniniwalaang nag-ugat sa sirang electrical wiring.

Read more...