Code of conduct sa WPS, posible na dahil sa positibong relasyon ng China at Pilipinas

By Jay Dones April 19, 2017 - 04:28 AM

 

Richard A. Reyes/Inquirer

May posibilidad na matapos na sa buwan ng Hunyo ang framework sa code of conduct sa South China Sea o West Philippines Sea.

Ayon kay Acting Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, may dalawa nang pagpupulong sa pagitan ng China at ASEAN hinggil sa isyu at nagkaroon ito ng positibong resulta.

Sa Meet Inquirer Multimedia Forum, ipinaliwanag ni Manalo na nagpapatuloy ang pagtahak sa tamang direksyon ng mga claimant countries upang mabuo ang balangkas ng kasunduan.

Ang framework aniya ang magsisilbing guide upang mapagtuunan ng pansin ang iba pang mga pangunahing isyu na kinakailangang maging bahagi ng aktuwal na code of conduct.

Malaki aniya ang maitutulong ng positibong pananaw ngayon ng China at ang maayos na relasyon nito sa Pilipinas upang makabuo na ng tunay na code of conduct sa West Philippines Sea.

Ang panukalang coder of conduct ay inaasahang magiging bahagi ng diskusyon sa pagitan ng China at iba pang mga claimant countries sa magaganap na ika 50th ASEAN summit sa Nobyembre.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

News Hub