Patay sa Nueva Ecija bus crash 32 na

By Kabie Aenlle, Rod Lagusad April 19, 2017 - 01:22 AM

Phil. Red Cross

Pumalo na sa 32 na katao ang bilang ng mga nasawi sa pagkakahulog ng sinasakayan nilang bus sa malalim na bangin sa Carranglan, Nueva Ecija.

Nasa 14 sa mga biktima ang dinala sa Nueva Vizcaya Provincial Hospital habang ang iba ay dinala naman sa Veterans Regional Hospital.

Nahulog ang Leomarick Trans bus sa 80-100 talampakan Sitio Nursery, Barangay Capintalan, Carranglan, Martes ng umaga.

Biyaheng Candon, Ilocos Sur at galing Isabela ang naaksidenteng bus na may plakang AVS 757.

Itinuturung na accident-prone area ang lugar dahil sa zigzag na daan patungong Abra at Ilocus Sur.

Base sa inisyal na ulat, hindi naihinto ng driver ang minamanehong bus dahil pumalya umano ang preno nito.

Gayunman, nakita ng mga imbestigador na sumabog ang isa sa mga gulong sa harap ng bus, na posible anilang dahilan kung bakit nahulog sa bangin ang bus.

Base sa talaan ng Red Cross Nueva Vizcaya, nananatili sa 29 ang bilang ng mga nasawi ngunit ayon sa mga pulis ay umabot na ito ng 32.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.