Pagtataas ng real property tax sa QC, pinigil ng SC

By Kabie Aenlle April 19, 2017 - 04:27 AM

 

Inquirer file photo

Naglabas ang Supreme Court (SC) ng temporary restraining order (TRO) laban sa panukala ng lokal na pamahalaan ng Quezon City na taasan ang singil sa kanilang real property tax o amilyar.

Base kasi sa QC Ordinance No. 2556, tataasan ng 100 hanggang 500 porsyento ang singil sa amilyar epektibo ngayong taon, habang ang para naman sa mga gusali at iba pang istruktura ay sisimulan sa susunod na taon.

Gayunman, pumalag ang Alliance of Quezon City Homeowners’ Association Inc. (AQCHI) dahil anila, hindi ito makatarungan at masyadong mahal kaya idinulog nila ito sa korte.

Sa kanilang petisyon, batid naman ng AQCHI ang pangangailangan na taasan ang singil sa real property tax sa kanilang lungsod, ngunit umapela sila na babaan ito o kaya ay utay-utayin ang singil.

Kasabay ng paglalabas ng TRO ay pinagkokomento ng SC ang mga respondents na sina Mayor Herbert Bautista, pati na ang opisina ng City Assessor at City Treasurer sa loob ng sampung araw.

Base sa naunang tantya ng lokal na pamahalaan, aabot sa P700 million ang itataas ng kanilang koleksyon sa unang taon pa lang ng pagpapatupad nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.