Full alert status sa NCR, mananatili para sa ASEAN Leaders Meet

 

Puspusan ang ginagawang paghahanda ng PNP para sa culmination ng ASEAN SUMMIT sa susunod na linggo na gagawin sa PICC sa CCP Complex sa Pasay City.

Ayon kay NCRPO Chief, Director Oscar Albayalde, magtutuloy-tuloy na nakataas ang kanilang Full Alert Status na nagsimula bago ang Semana Santa.

Sinabi ni Albayalde na aabot sa 18, 000 mga Pulis ang magbibigay seguridad sa ASEAN Summit kabilang ang augmentation force na manggagaling sa Regions 1, 3 at 4A.

Maliban sa venue, babantayan din ng mga pulis ang seguridad sa mga hotel kung saan mananatili ang mga ASEAN leaders at ang ruta nila papuntang PICC.

Batay sa unang plano, ang kalsadang nakapalibot lamang sa PICC ang isasara sa ASEAN Summit na magsisimula sa April 24-29.

Read more...