‘Globe At Home’ may Android TV na

By Jay Dones April 19, 2017 - 04:24 AM

 

Globe TelecomMaaari nang ma-enjoy ng publiko ang mahigit isang milyong mga pelikula, tv series at iba pa sa pamamagitan ng Android TV ng Globe At Home.

Ang naturang feature ay ang bagong uri ng 1st world home entertainment na pinasinayaan ng Globe para sa kanilang mga subscribers.

Ayon kay Martha Sazon, Senior Vice President ng Globe At Home, ito na ang susunod na lebel ng on-demand entertainment sa bansa.

Kung dati aniya ay kinakailangan pang umuwi ng maaga o di kaya ay mag-schedule ng panahon upang mapanood ang nais na palabas sa telebisyon at sinehan, ngayon sa pamamagitan ng Android TV, ma-access ng puliko ang nais nilang mga mapanood sa pamamagitan ng Android TV.

Ang Android TV aniya ay maaring isama na ng mga Globe At Home subscribers sa kanilang umiiral na Globre At home Plan 1299 at pataas sa pamamagitan ng pagdagdag lamang ng P200 sa kanilang subscription na babayaran sa loob ng 24 buwan.

Kasama na sa package ang anim na buwan na access sa Netflix, at NBA League Pass.

Bukod sa mahigit 1,000,000 pelikula at TV shows na mapapanood on-demand, maaari ring maglaro ng mga games making sa music at mag-surf ng web sa ilalim ng package.

“With the Android TV, customers can have a wonderful digital lifestyle that they can experience anytime they want. They can be among the first to watch their shows globally, on-demand and without any commercial interruptions. The Android TV just made streaming a whole lot better!” Pahayag ni Sazon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

News Hub