Bilang ng patay sa aksidente sa Nueva Ecija, umakyat na sa 29

 

Carranglan.8Umakyat na sa 29 na katao ang namatay matapos mahulog ang sinasakayan nitong bus sa malalim na bangin sa Carranglan, Nueva Ecija.

Ilan naman sa mga biktima ang nananatili sa Nueva Vizcaya Provincial Hospital at Veterans Regional Hospital .

Nahulog kaninang umaga ang Leomaric Trans bus sa 80-100 talampakan Sitio Nursery, Barangay Capintalan, Carranglan.

Byaheng Candon Ilocos Sur at galing Isabela ang naaksidenteng bus na may plakang AVS 757.

Itinuturung na accident-prone area ang lugar dahil sa zigzag na daan patungong Abra at Ilocus Sur.

Read more...