Kinasuhan na ng Department of Justice sa Pampanga Regional Trial Court si Police Supt. Rafael Dumlao kaugnay sa Jee Ick Joo kidnap-slay.
Bukod kay Dumlao na sinasabing mastermind sa pagdukot at pagpatay isinama rin sa kasong kidnapping with homicide ang dating errand boy ng National Bureau of Investigation na si Jerry Omlang.
Kabilang din sa kinasuhan sina SPO3 Ricky Sta. Isabel and SPO4 Roy Villegas.
Nahaharap din sa kaso bilang accessory to the crime si Gerardo Gregorio Santiago ang may-ari ng Gream Funeral Parlor na pinagdalahan sa labi ng Koreano.
Hindi naman kasama sa kinasuhan si Ramon Yalung.
Bukod dito, nahaharap naman sa kasong kidnapping and serious illegal detention sina Dumlao, Sta. Isabel, Omlang, Villegas at iba pang indibidwal may kaugnayan sa pagdukot sa kasambahay ng koreano na si Marisa Morquicho.
Nahaharap din sa kasong carnapping sina Sta. Isabel, Dumlao, Omlang at Villegas matapos tangayin ang itim na Ford Explorer ng pinatay na Korean national.