Mas maraming mga Pinoy takot sa EJK ayon sa SWS survey
Tumaas ang bilang ng mga Pinoy na nagsasabing natatakot sila na baka sila ay mabiktima ng “Extra Judicial Killings” (EJK) kaugnay sa kampanya kontra droga ng Duterte administration.
Ito ang resulta ng survey na ginawa ng Social Weather Station (SWS) noong March 25 hanggang 28.
Gamit ang 1,200 adult respondents mula sa Metro Manila, Luzon, Visayas at Mindanao ay tinanong sila ng “Gaano po kayo nangangamba na kayo o sino mang kilala ninyo ay maging biktima ng ‘Extrajudicial Killings o EJK’.
Sa mga tinanong sa survey, 73% ang nagsabi na sila ay natatakot na mabiktima ng EJK, umaabot sa 37% ang sumagot na talagang nangangamba (very worried), 36% ang medyo nangangamba (somewhat worried), 14% ang medyo hindi nangangamba (not too worried) at 13% answered talagang hindi nangangamba (not worried at all).
Ang nasabing bilang ay mas mataas kumpara sa mga tinanong ng kahalintulad na tanong noong nakalipas na Disyembre kung saan ay This compares to December 2016 when 45% ang nagsabi na sila ay takot sa EJK, 33% ang hindi masyadong nangangamba, 10% ang hindi nangangamba at 12% naman ang walang pangamba.
Sa tanong na “Sa pagtupad ng kapulisan ng kanilang tungkulin sa kampanya laban sa illegal na droga, gaano ka-importante na mahuli nila nang buhay ang mga taong pinaghihinalaang kasabwat sa illegal na droga ay 66% ang sumagot na talagang importante (very important), 26% ang nagsabi na medyo importante (somewhat important), 5% naman ang sumagot na medyo hindi importante (somewhat not important) at 3% ang nagsabing talagang hindi importante (not at all important).
Sa tanong na “Sa kampanya ng gobyerno laban sa illegal na droga, ang kapulisan po ba ay nagsasabi ng totoo na ang napapatay nilang suspect ay talagang nanlaban sa kanila? ay 6% ang sumagot na talagang nagsasabi ng totoo (definitely telling the truth), 18% ang malamang nagsasabi ng totoo (probably telling the truth), 44% ang hindi tiyak kung nagsasabi ng totoo o hindi (undecided if telling the truth or not), 17% ang malamang hindi nagsasabi ng totoo (probably not telling the truth), at 14% ang nagsabing talagang hindi nagsasabi ng totoo (definitely not telling the truth).
Sa nasabing survey ay 78% ang nagsabi na silang satisfied sa kampanya ng pamahalaan kontra droga, 43% ang very satisfied at 35% ang sumagot ng somewhat satisfied.
Umaabot naman sa 10% ang undecided, 12% ang dissatisfied, 6% ang somewhat dissatisfied at 6% ang very dissatisfied.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.