Umano’y planong pagsuko ni ASG leader Radulan Sahiron, hindi pa makumpirma ng AFP
Bagaman hindi pa makumpirma ng Armed Forces of the Philippines, welcome development para sa gobyerno kunga sakaling totoo ang napaulat na gusto nang sumuko ng Abu Sayyaf Group leader na si Radulan Sahiron.
Sa katunayan, sinabi ni AFP PAO Chief Marine Col. Edgard Arevalo na ituturing nila itong encouragement para sa iba pang mga miyembro ng ASG.
Pagpapakita rin aniya ito na naliliwanagan na ang pag-iisip ni Sahiron para maunawaan na hindi nito kailangang mamundok, magtago sa batas at sa lipunan habangbuhay.
Ang pahayag ng AFP ay bilang tugon sa balitang may surrender feeler na umanong ipinaabot ang bandidong lider na si Sahiron.
Giit pa ni Arevalo, sakaling matuloy, nangangahulugan din ito kung gaano kaepektibo ang ipinatutupad na combat operations ng militar laban sa mga bandido.
Ibig sabihin, nararamdaman na ng ASG ang matinding pressure at mapagtanto na wala silang ibang susulingan kundi ang magbalik-loob sa pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.