Kuliglig driver, patay sa aksidente sa Buendia Flyover sa Pasay

By Cyrille Cupino April 18, 2017 - 09:47 AM

KULIGLIG DRIVER
Kuha ni Cyrille Cupino

Patay ang isang kuliglig driver matapos araruhin ang dalawang plant box sa ibabaw ng Buendia flyover, Pasay City.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng lalaking biktima na nakasuot ng blue ng tshirt, dark blue na shorts, at sakay ng kuliglig na walang karga.

Kusa namang sumuko sa mga otoridad ang taxi driver na si Ramoncito Valiente ng R. Villegas Taxi na may plakang UWB 305.

Kwento ni Valiente, katamtaman lamang ang kanyang takbo habang nasa ibabaw ng flyover, at nagulat na lamang siya nang sumingit sa kanyang kaliwa ang kuliglig.

Depensa ng driver, hindi niya napansin ang kuliglig dahil nakasisilaw ang ilaw ng mga kasalubong nilang sasakyan.

Aminado naman ang driver na masakit na rin ang kanyang mata at pinayuhan na rin ng asawa na huwag munang pumasada.

Nadamay pa sa aksidente ang dalawang trailer truck na nabasag ang windshield matapos mabagsakan ng bato.

Nagdulot ng pagsikip ng traffic sa lugar ang nasabing aksidente.

Nahaharap naman si Valiente sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

News Hub