Mga naapektuhan ng Batangas quake, nagsisi-uwian na

By Kabie Aenlle April 18, 2017 - 04:16 AM

 

Kuha ni Alvin Barcelona
Kuha ni Alvin Barcelona

Unti-unti nang bumabalik sa normal ang pamumuhay ng mga residente ng Batangas na naapektuhan ng mga sunud-sunod na lindol noong nakaraang linggo.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), nagsimula nang bumalik sa kani-kanilang mga tahanan ang mga reisdente ng mga bayan ng Tingloy, San Luis, Mabini, Lemery at Taal na lumikas dahil sa lindol.

Matatandaang mahigit dalawang linggo na ang nakalilipas nang yanigin ng magnitude 5.5 na lindol ang Tingloy, na sinundan rin ng malakas na pagyanig sa Mabini na sa kasalukuyang nasa ilalim ng state of calamity.

Sa kabila nito, tiniyak ng DSWD na patuloy pa rin silang nakikipag-ugnayan sa field office nila sa Region 4-A upang alamin ang kalagayan ng mga pamilya pati na ang kanilang mga pangangailangan.

Magsasagawa naman sila ng critical incident stress debriefing sessions para sa mga naapektuhang pamilya na posibleng nakaranas ng post-traumatic stress dahil sa mga nangyari.

Gaganapin ang mga sessions na ito mula April 18 hanggang 22.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.