Paglalaan ng pondo sa rehabilitasyon ng mga adik, labag sa loob ng pangulo

By Kabie Aenlle April 18, 2017 - 04:17 AM

 

Presidential photo

Mas nanaisin pa ni Pangulong Rodrigo Duterte na gumastos ng bilyun-bilyong piso para sa mga overseas Filipino workers (OFWs), kaysa sa rehabilitasyon ng mga adik sa iligal na droga.

Ayon sa pangulo, naiinis siya tuwing iniisip na gumagastos ang pamahalaan ng bilyong pisong halaga para tulungan ang mga drug addicts na wala namang naitulong sa lipunan.

Bagaman masama aniya ang loob niya sa paglalaan ng pondo para sa mga adik, kailangan niya itong gawin dahil mga mamamayan pa rin ng Pilipinas ang mga ito.

Matatandaang nag-donate ang San Miguel Corporation ng P1 billion para magpatayo ng mga rehabilitation centers, bilang tulong sa kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga.

Ani Duterte, mas gusto niya pang itulong na lang ito sa mga OFWs, na pinasalamatan niya rin dahil sa pagsasakripisyo para sa pamilya at para sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.