Klase sa malaking bahagi ng Metro Manila at mga kalapit lalawigan suspendido dahil sa bagyong Ineng
Dahil sa patuloy na malakas na pag-ulan at inaasahang mga flashfloods sa malaking bahagi ng Luzon kasama na ang Metro Manila ay minarapat ng ilang mga Local Government Units na kanselahin na ang pasok sa mga paaralan ngayong araw.
Suspendido ang klase “all levels” sa lahat ng mga pribado at pampublikong paaralan sa mga sumusunod na lugar, Caloocan City, Las Pinas City, Makati City, Muntinlupa City, Marikina City, Paranaque City, Pasay City, San Juan City, Navotas City, Quezon City, Lalawigan ng Cavite at kabuuan ng Nueva Ecija.
Dahil sa nagpapatuloy na sama ng panahon ay kanselado rin ang klase sa mga sumusunod na unibersidad at kolehiyo: Polytechnic University of the Philippines (PUP-NCR Branches), City of Malabon University, City of Malabon Polytechnic Institute, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela, Valenzuela City Polytechnic College, Adamson University at Bulacan State University.
Sa panuntunan naman ng Department of Education, otomatikong kanselado ang pasok sa Kindergarten at Elementary para sa Signal Number 1.
Kapag ang isang lugar ay nasa ilalim ng Signal Number 2 ay walang pasok sa kindergarten, elementary at high school.
Samantalang otomatikong kanselado ang lahat ng klase mula kindergarten hanggang kolehiyo kapag ang isang lugar ay nasa ilalim ng Signal Number 3 pataas. / Den Macaranas
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.