Muslim TV station ng Pilipinas, posibleng sumahimpapawid sa Hunyo

 

Inquirer file photo

Doha, Qatar–Hindi lang negosyo, trabaho at usapin sa National Security ang naiuwi ng Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang state visit sa Saudi Arabia, Bahrain at Qatar kundi maging sa sektor ng komunikasyon.

Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar, ito ay dahil sa nakipagkasundo din ang Pilipinas sa tatlong nabanggit na bansa na magkaroon ng exchange of information.

Ayon kay Andanar, hindi limitado baril at bala ang paglaban sa terorismo.

Maari aniyang daanin sa komunikasyon ang pagresolba sa terorismo

Dahil dito sinabi ni Andanar na sa Hunyo ay maaring sumahimpapawid na ang Salaam TV.

Ito ang Muslim TV station na bubuksan sa Pilipinas kung saan imumulat ang kamalayan ng mga Pilipino sa kultura ng mga Muslim.

Read more...