Loan Restructuring Program ng SSS malapit nang matapos

By Den Macaranas April 17, 2017 - 05:06 PM

SOCIAL SECURITY / JANUARY 14, 2016 A elderly man with his companions walk pass an SSS sign in Manila on Thursday, January 14, 2016.  President Aquino vetoes on Thursday the SSS pension hike bill. INQUIRER PHOTO / GRIG C. MONTEGRANDE
INQUIRER PHOTO / GRIG C. MONTEGRANDE

 

Hinikayat ng Social Security System (SSS) ang kanilang mga miyembro na may short-term loan delinquencies na samantalahin ang iniaalok nilang Loan Restructuring Program (LRP) na magtatapos na sa April 27.

Sa nasabing programa ay nakapaloob ang magaan na payment terms at conditional condonation ng mga loan penalties.

Sinabi ni SSS President at Cehief Executive Officer Emmanuel Dooc na aabot sa 487,278 members ang nakinabang na sa LRP kung saan ang pondong nakolekta ay umabot na sa P2.89 Billion sa pagtatapos ng buwan ng Pebrero.

Sa naturang halaga ay P1.78 Billion o 61 percent ang galing sa LRP collection samantalang aabot naman sa P766.3 Million ang nagmula sa voluntary member payments.

Aabot naman sa 22,000 self-employed members ang nag-avail sa LRP kung saan ang koleksyon ay umabot sa P105.6 Million.

Nasa halos ay 30,000 OFW-members rin ang nakinabang sa programa at nakapag-remit sila ng kabuuang P234.9 Million.

Sa ilalim ng LRP, ang mga SSS members na may pagkakautang ay pwedeng magbayad ng kanilang overdue loan sa loob ng 30 araw at walang additional interest na babayaran.

Pwede rin silang mag-apply ng installment terms na pwedeng bayaran sa loob ng limang taon sa minimum na interest rate na 3 percent lamang.

TAGS: Loan, looc, lrp, remit, sss, Loan, looc, lrp, remit, sss

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.