Aminado ang PNP Drug enforcement Group (PNP DEG) na may pagkukulang ang kanilang mga bantay kaya nakatakas ang American-Korean drug suspect na si June No mula sa ospital
Kinilala ang dalawang bantay na sina Intelligence Officer 2 Ernie Eugenio ng PDEA at SPO2 Michael Macarubbo ng PNP DEG.
Ayon kay PNP DEG Spokesperson Supt. Enrico Rigor nakatulog si Eugenio habang nagbabantay at umalis naman sa pwesto nya si Macarrubo na naging dahilan kaya nakatakas ang drug suspect.
Maliban pa dito hindi sinunod ng dalawang bantay ang protocol na dapat ay nakaposas ang isang kamay ng drug suspek sa kama nito sa ospital
Dahil sa mga paglabag na ito, nahaharap sa kasong kriminal o paglabag sa Article 224 ng RPC o Revised Penal Code at kasong administratibo na serious neglect of duty ang dalawang bantay
Kaugnay nito, kinasuhan na rin ng PNP si Darleen Son alyas Soeyang na umanoy girlfriend ni Jun No dahil sa pagiging protektor o pagkakanlong kay No.
Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP na nakadalaw sa ospital si Soeyang at dito na nya inabutan ng P3,000 si No na ginamit naman nito sa pagtakas sa ospital.
Si No ang itinuturong major supplier ng party drugs sa Malate Maynila na sangkot din umano sa prostitusyon.
Kamakailan ay nahuli siya sa isang anti-drug operation ng PNP pero makalipas ang ilang araw ay dinala siya sa East Avenue Medical Center dahil sa appendicitis.
Kahapon ay natakasan ng nasabing drug personality ang kanyang mga bantay.