PNP aminado na may pagkakamali makaraang matakasan ng Korean drug lord

By Ruel Perez April 17, 2017 - 04:44 PM

Jun-No
PNP photo

Aminado ang PNP Drug enforcement Group (PNP DEG) na may pagkukulang ang kanilang mga bantay kaya nakatakas ang American-Korean drug suspect na si June No mula sa ospital

Kinilala ang dalawang bantay na sina Intelligence Officer 2 Ernie Eugenio ng PDEA at SPO2 Michael Macarubbo ng PNP DEG.

Ayon kay PNP DEG Spokesperson Supt. Enrico Rigor nakatulog si Eugenio habang nagbabantay at umalis naman sa pwesto nya si Macarrubo na naging dahilan kaya nakatakas ang drug suspect.

Maliban pa dito hindi sinunod ng dalawang bantay ang protocol na dapat ay nakaposas ang isang kamay ng drug suspek sa kama nito sa ospital

Dahil sa mga paglabag na ito, nahaharap sa kasong kriminal o paglabag sa Article 224 ng RPC o Revised Penal Code at kasong administratibo na serious neglect of duty ang dalawang bantay

Kaugnay nito, kinasuhan na rin ng PNP si Darleen Son alyas Soeyang na umanoy girlfriend ni Jun No dahil sa pagiging protektor o pagkakanlong kay No.

Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP na nakadalaw sa ospital si Soeyang at dito na nya inabutan ng P3,000 si No na ginamit naman nito sa pagtakas sa ospital.

Si No ang itinuturong major supplier ng party drugs sa Malate Maynila na sangkot din umano sa prostitusyon.

Kamakailan ay nahuli siya sa isang anti-drug operation ng PNP pero makalipas ang ilang araw ay dinala siya sa East Avenue Medical Center dahil sa appendicitis.

 

Kahapon ay natakasan ng nasabing drug personality ang kanyang mga bantay.

TAGS: ecstacy, jun no, PDEA, PNP-DEG, ecstacy, jun no, PDEA, PNP-DEG

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.