Larawan ng mga Abu Sayyaf members na lumusob sa Bohol isinapubliko na

By Rohanissa Abbas April 17, 2017 - 04:03 PM

Abu-Sayyaf-Bohol-620x630
AFP photo

Patuloy na tinutugis ng Armed Forces of the Philippines at ng Philippine National Police ang pitong hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na sangkot sa bakbakan sa Inabanga, Bohol noong nakaraang linggo.

Pinangalanan ng mga otoridad ang mga suspek na sina Joselito “Alih” Milloria, alyas Richard, alyas Asis, alyas Ubayda, alyas Poy, alays Dah, alyas Saad, at alias Amra.

Si Milloria ay tubong Barangay Napo na siyang nagsilbing guide ng ASG na pumasok sa lugar noong April 10. Nilisan nito ang Napo ilang taon na ang nakalipas nang ikasal siya sa umano’y anak na babae ng pinuno ng ASG sa Mindanao.

Napatay naman ang apat na hinihinalang kasama ng mga bandido na sina Moumar “Abu Rami” Askali na lider ng grupo, alyas Abu Sufyan, isang bomb expert, Edimar Isnain at isa pang hindi pa nakikilalang suspek.

Pinayuhan naman ng lokal na pamahalaan ng Inabanga ang publiko na manatiling alerto at agad na ipaalam sa mga otoridad ang kapag namataan ang mga suspek, at iba pang kahina-hinalang mga lalaki.

Isinapubliko rin ng lokal na pamahalaan ng Inabanga ang litrato ng mga hinihinalang myembro ng ASG.

TAGS: abu rami, Abu Sayyaf, AFP, Inabanga Bohol, PNP, abu rami, Abu Sayyaf, AFP, Inabanga Bohol, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.