Duterte nanguna sa listahan ng “most influential people” ng Time
Si Pangulong Rodrigo Duterte ang nanguna sa search for the mostinfluential people ng Time magazine.
Naungusan ni Duterte ng five percent ng boto ang iba pang mga nominado na kinabibilangan nina Canadian Prime Minister Justin Trudeau, Pope Francis, Microsoft CEO na si Bill Gates at Facebook founder na si Mark Zuckerberg.
Nagsimula noong March 24 ang pagbubukas ng Time magazine para sa nominasyon sa pamamagitan ng online voting.
Ang nasabing search category ay tinawag ng Time magazine na “Who should be on the 2017 TIME 100?”
Noong nakalipas na Disyembre ay napabilang ang pangalan ni Duterte sa “74 most powerful people in the world”
Sa April 20 ay nakatakdang isapubliko ng Time ang kabuuang detalye para sa kanilang paghahanap sa most influential people of the year.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.