4 na Pinoy, kabilang sa mga nasawi sa road accident sa UAE

By Mariel Cruz April 17, 2017 - 02:01 PM

ABU DHABINasawi ang apat na oversease Filipino workers (OFW) sa isang road accident sa Abu Dhabi, United Arab Emirates.

Nabatid na naganap ang aksidente habang isinasagawa ng mga biktima ang tradisyon tuwing Holy Week na Visita Iglesia.

Ayon kay Philippine Ambassador to Abu Dhabi Constancio Vingno, namatay ang apat na biktima nang salpukin ng isang SUV na mabilis ang takbo ang kanilang sasakyan, na nakatigil dahil sa flat na gulong.

Batay sa ulat, namatay on the spot ang apat na OFW habang dalawa naman ang nasa kritikal na kondisyon sa Al Rahba Hospital.

Hindi pa nagbibigay ng detalye ang embahada ukol sa pagkakakilanlan ng mga nasawi pero nabatid na tatlong lalaki at isang babae ang mga biktima.

Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na si Vingno sa mga otoridad sa Abu Dhabi ukol sa mga biktima Pinoy.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.