Number coding, suspendido pa rin ngayong araw ayon sa MMDA
Kahit pa tapos na ang Holy Week, sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority na suspendido pa rin ngayong araw ang number coding.
Ito ay para sa mga motorista na ngayon pa lamang babalik sa Metro Manila mula sa kani-kanilang probinsya noong nagdaang Semana Santa.
Ayon kay MMDA Chairman Tim Orbos, maging ang light truck ban ay nananatili pa rin suspendido ngayong araw.
Pero paglilinaw ni Orbos, hindi kasama dito ang mga lungsod ng Makati at Las Piñas dahil epektibo na ang number coding simula ngayong araw.
Matatandaang noong nakaraang Holy Week, libu-libong Pilipino ang bumiyahe sa kani-kanilang probinsya para sa paggunita sa Semana Santa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.