Higit isandaang OFW na stranded sa Saudi Arabia, iniuwi na ni Pangulong Duterte

By Kabie Aenlle April 17, 2017 - 08:21 AM

duterte qatar1Naiuwi na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mahigit 100 na overseas Filipino workers na na-repatriate mula sa Kingdom of Saudi Arabia.

Nagpasalamat si Pangulong Duterte sa mga OFWs dahil sa mga sakripisyong kanilang ginagawa sa ibang bansa.

Dahil aniya dito, titiyakin niyang mapapauwi niya ang iba pang mga Pilipinong na-stranded sa Middle East na mangangailangan ng tulong para makauwi dito sa bansa.

Aniya pa, maghahanap siya ng pondo para araw-arawin ang pagpapauwi sa mga OFWs, at gagawan niya ito ng paraan bilang pagpapasalamat sa kanilang sakripisyo sa ibang bansa.

Bukod dito, nabanggit din ni Pangulong Duterte ang kaniyang plano na magpatayo ng maliit na general hospital sa mga bansa sa Middle East para sa mga OFWs.

Binigyan naman ni Duterte ang mga umuwing OFW ng tig-P10,000 upang matiyak na makauwi sila sa kani-kanilang mga tahanan at pamilya.

Ayon sa pangulo, ang P5,000 dito ay mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), habang ang karagdagang P5,000 ay mula mismo sa kaniya bilang pabaon sa mga ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

News Hub