Missile ng North Korea, sumabog sa himpapawid

 

AP Photo/Inquirer

Sumablay ang missile test na isinasagawa ng North Korea makaraan itong sumabog sa himpapawid.

Bagamat hindi tinukoy kung anong uri ng missile ang pinalipad ng North Korea, inaalam na ng Amerika at ng South Korea ang iba pang detalye ng palpak na eksperimento.

Itinuturing na isang malaking sablay ang naturang insidente sa Pyongyang dahil naganap ang pagsabog ng kanilang armas dahil naganap ito sa gitna ng selebrasyon ng buong bansa sa ika-105th na kaarawan ni North Korea founder Kim Il Sung.

Sa kabila nito, patuloy na naaalarma ang iba’t-ibang bansa dahil sa pagpapalakas ng weapons program ng North Korea.

Noong nakaraang taon, nagpalipad ng dalawang long range rocket ang naturang bansa.

Nagsagawa rin ito ng dalawang nuclear test na siyang pinakamalakas na eksperimento ng North Korea sa kasalukuyan.

Samantala, dumating na sa South Korea si Vice President Mike Pence kahapon upang umpisahan ang kanyang sampung araw na pagbisita sa mga bansa sa Asya.

Tinawag nitong isang uri ng ‘provocation’ ang missile launch ng North Korea sa kabila ng pagsablay nito.

Read more...