Dalawang Pinoy na nahatulan sa Qatar, posibleng mabigyan ng pardon

Silvestre-Bello-IIIDalawa mula sa tatlong convicted Overseas Filipino Workers o OFWs sa Qatar ang posibleng mabigyan ng pardon.

Ito ang kinumpirma ni ni Labor Secretary Silvestre Bello III, sa isang press conference sa Qatar kasama ang iba pang cabinet secretaries na kabilang sa state visit ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Gayunman, tumanggi si Bello na idetalye ang pagkakakilanlan ng dalawang Pinoy na maaaring mapagkalooban ng pardon.

Paliwanag ng kalihim, ang pardon ay depende sa ‘nature of offense’ ng mga nahatulang Pinoy.

At batay aniya sa kanilang pagtingin, posibleng dalawa lamang ang mabigyan ng pardon.

Nauna na napabalita na i-aapela ni Pangulong Duterte kay Qatar Emir Sheikh Hamad Al Thani na bigyan ng pardon at palayain na ang tatlong OFWs, na nahatulan at nakakulong sa naturang bansa.

Ang OFWs ay nabatid na convicted dahil sa kasong espionage at economic sabotage.

Sinentensyahan sila ng parusang kamatayan, ngunit ibinaba sa pagkakabilanggo matapos umapela ang Aquino administration.

Read more...