Bilang ng napinsalang paaralan sa Batangas quake, umabot sa 18

Batangas Quake6Pumalo sa labing walong paaralan sa Mabini, Batangas ang napinsala sa pagtama ng sunud-sunod na malalakas na lindol noong nakaraang Sabado, April 8.

Sa Mabini Elementary School, tatlo lamang sa dalawampu’t isang classroom ang naisalba mula sa mapaminsalang lindol.

Mahigit isanlibong estudyante ang nag-aaral sa naturang eskwelahan.

Ayon kay District Supervisor Matdarenda Marasigan, idineklara na ng kanilang DepEd engineer na hindi na maaaring magamit ang mga nasirang classroom.

Samantala, pinangangambahan naman ang mga bitak sa sahig at kisame sa Sta. Mesa Elementary School.

Sinabi ni Ofelia Del Mundo, principal ng Sta. Mesa Elementary School, masyado nang delikado ang naturang bitak sa mga estudyante.

Una nang tiniyak ni Budget Secretary Benjamin Diokno sa publiko na prayoridad nila ang paglalaan ng pondo na gagamitin sa pagsasaayos ng mga nasirang paaralan.

Read more...