Base sa datos ng PCG, sa pagpatak ng alas-6:00 ng gabi ng Miyerkules Santo, April 12, umabot na sa 99,945 ang bilang ng mga pasaherong dumagsa sa mga pantalan.
Pinakamaraming bilang ng pasahero na naitala sa mga pantalan sa coast guard district (CGD) sa Westrern Visayas kung saan umabot na ito sa higit 27,533.
Sunod naman sa may maraming mga pasaherong naitala ang CGD Central Visayas na umabot sa higit 22,722; habang nasa 17,276 naman ang naitala sa CGD Southern Tagalog Luzon.
Umabot naman sa 10,079 ang bilang ng mga pasahero sa CGD Northern Mindanao; 5,566 sa CGD Bicol; 4,700 sa Southeastern Mindanao; 3,881 sa Southwestern Mindanao; 3,686 sa Eastern Visayas; 1,857 sa Palawan; at 1,467 sa National Capital Region-Central Luzon.
Samantala, nasa 781 pa lang ang naitatala sa Northwestern Luzon, habang 397 naman sa Northeastern Luzon.
Inaasahan namang patuloy pang dadami ang mga pasahero sa mga pantalan pagdating ng Huwebes Santo.