Bilang ng mga pasahero sa mga pantalan, umabot na ng halos 100k
Pumalo na sa halos 100,000 ang mga pasahero sa mga pantalan sa buong bansa ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).
Base sa datos ng PCG, sa pagpatak ng alas-6:00 ng gabi ng Miyerkules Santo, April 12, umabot na sa 99,945 ang bilang ng mga pasaherong dumagsa sa mga pantalan.
Pinakamaraming bilang ng pasahero na naitala sa mga pantalan sa coast guard district (CGD) sa Westrern Visayas kung saan umabot na ito sa higit 27,533.
Sunod naman sa may maraming mga pasaherong naitala ang CGD Central Visayas na umabot sa higit 22,722; habang nasa 17,276 naman ang naitala sa CGD Southern Tagalog Luzon.
Umabot naman sa 10,079 ang bilang ng mga pasahero sa CGD Northern Mindanao; 5,566 sa CGD Bicol; 4,700 sa Southeastern Mindanao; 3,881 sa Southwestern Mindanao; 3,686 sa Eastern Visayas; 1,857 sa Palawan; at 1,467 sa National Capital Region-Central Luzon.
Samantala, nasa 781 pa lang ang naitatala sa Northwestern Luzon, habang 397 naman sa Northeastern Luzon.
Inaasahan namang patuloy pang dadami ang mga pasahero sa mga pantalan pagdating ng Huwebes Santo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.