Maulan na Semana Santa dapat asahan ayon sa Pagasa
Papasok bukas ng umaga, Huwebes Santo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang isang low pressure area (LPA) na namataan ng Pagasa.
Ayon kay Rene Pasciente- Assistant Chief ng Pagasa Weather Services, posibleng maging tropical depression o bagyo ang nasabing LPA bago ito mag-landfall sa Sabado ng gabi sa Eastern Visayas.
Sakaling tuluyang maging bagyo, papangalanan ito na ‘Crising’ at magiging pangatlong bagyo sa bansa ngayong taon.
Ito ay inaasahang may lakas na 45-61 kilometer per hour at magdadala ng pag-ulan sa Eastern at Southern Visayas, Bicol region at ilang bahagi ng Mindanao, Mindoro, Batangas at Cavite
Ang Metro Manila ay maglakaroon ng magandang panahon mula Huwebes hanggang Biyernes Santo pero makakaranas ng ‘light rains’ Linggo ng gabi hanggang Lunes ng umaga.
Sa pagtaya ng Pagasa, lalabas ang posibleng bagyo ng PAR sa Lunes ng umaga sa bahagi ng Mindoro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.