Isang joint cooperation ang isinusulong ng Pilipinas sa Saudi Arabia para sa sektor ng enerhiya. I
Ito ang nilalaman ng proposed memorandum of understanding ni Energy Secretary Alfonso Cusi sa kanyang Saudi counterpart.
Si Cusi ay kasama sa delegasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa state visit sa Saudi Arabia at nakaharap ni King Salman Bin Abdulaziz Al Saud.
Hindi naman naidetalye pa ni Cusi ang nilalaman ng proposed MOU pero tiniyak na makakatulong ito sa isyu ng oil exploration ng kapwa bansa.
Kaugnay nito, nagpahayag ng kagustuhan si Saudi Minister of Energy, Industry and Mineral Resources Khalid bin Abdual-aziz- al Falih na makapunta sa Pilipinas.
Una ng inimbitahan ni Sec. Cusi ang kanyang counterpart na makadalo sa ASEAN Cooperation Dialogue na nakatakda sa August 7 hanggang 11 na gagawin sa Bohol.