Kumpara noong nakaraang taon sa parehong panahon ng Holy Week ay nanatiling mas mataas ang bilang ng mga pasaherong dumadating at umaalis sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa kasalukuyang taon.
Sa inilabas na impormasyon ng Media Affairs Division ng MIAA mula April 8-11 mas madaming pa din ang mga pasahero kumpara sa panahon din ng Holy Week noong March 19-22, 2016.
Sa Terminal 1 kahapon April 11 nasa 10,050 pasahero ang bilang ng arrival at 10, 742 pasahero ang bilang ng departure kumpara noong nakaraang taon na nasa 9,599 pasahero ang arrival habang nasa 8,749 pasahero ang bilang ng departure.
Habang sa domestic flight ng Terminal 2 nasa 5,565 pasahero ang bilang ng arrival at 5,869 pasahero ang naitalang departure kahapon habang sa international flights naman ay nasa 6,418 pasahero ang arrival at 10,946 pasahero naman ang sa departure.
Pareho na mas marami din ang sa NAIA Terminals 3 at 4.
Kaugnay nito tuloy-tuloy pa din ang pagdating ng mga pasaherong magbabakasyon sa kani-kanilang mga probinsya at maging sa ibang bansa para samantalahin ang long weekend.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.