Publiko inalerto sa mga pekeng SSS checks

By Den Macaranas April 12, 2017 - 03:50 PM

SOCIAL SECURITY / JANUARY 14, 2016 A elderly man with his companions walk pass an SSS sign in Manila on Thursday, January 14, 2016.  President Aquino vetoes on Thursday the SSS pension hike bill. INQUIRER PHOTO / GRIG C. MONTEGRANDE
INQUIRER PHOTO / GRIG C. MONTEGRANDE

Pinag-iingat ng Social Security System (SSS) ang publiko kaugnay sa mga kumakalat na pekeng mga tseke na nakapangalan sa nasabing ahensya ng pamahalaan.

Sinabi ni SSS Senior Vice President for Luzon Operations Group Josie Magana nabiktima ng pekeng SSS check ang Catanduanes Supermart sa Virac, Catanduanes.

Isa umanong nagngangalang Gina S. Henzon ang nag-isyu ng P20,000 na tseke na nakapangalan sa SSS bilang pambayad sa kanyang mga pinamiling produkto.

Dahil nagpakita ng mga I.D si Henzon kaya inakala ng cashier ng nasabing tindahan na valid ang tseke at tunay pati na rin ang kanyang mga dalang identification cards nito.

Pero ng kanilang ideposito sa bangko ay saka lamang nabisto na peke ang ibinayad na tseke na may account name na SSS.

Pati ang pangalang Gina. S Henzon at ang ipinakitang SSS number nito ay peke ayon na rin sa verification na ginawa ng ahensiya.

Pinuntahan na rin ng mga otoridad ang sinasabing bahay ng nagpakilalang si Gina S. Henzon pero pati ang ibinibay nitong address ay peke rin pala.

Kaugnay nito ay naglabas ng babala ang SSS sa publiko kaugnay sa mga pekeng tseke.

Para ireport ang mga gumagawa ng ganitong kalokohan, pinapayuhan ng SSS ang publiko na makipag-ugnayan sa kanilang SSS hotline na 920-64-46 hanggang 55 o mag-email sa [email protected]

TAGS: fake checks, sss, sss members, fake checks, sss, sss members

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.