Tulong sa mga kaanak ng mga napatay na pulis at sundalo sa Bohol inilabas na

By Chona Yu April 12, 2017 - 03:24 PM

inabanga-bohol
Inquirer photo

Itinuturing na bayani ng Malacañang ang mga pulis at sundalo na napatay matapos makipagsagupa kahapon sa Abu Sayyaf Group sa lalawigan ng Bohol.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, saludo ang Palasyo sa kabayanihan na ipinamalas ng mga pulis at sundalo.

Matatandaang nilusob kahapon ng Abu Sayyaf Group ang isang resort sa Inabanga, Bohol subalit dahil sa mabilis na pagresponde ng military at pulis ay napatay ang kanilang sub-commander na si Muammar Askali, alyas  “Abu Rami”.

Pagtitiyak ni Abella, ibibigay ng pamahalaan ang lahat ng kinakailangang ayuda ng pamilya ng mga nasawing pulis at sundalo.

Sa naturang bakbakan, limang miyembro ng Abu Sayyaf, isang pulis at tatlong sundalo ang nasawi.

TAGS: abella, AFP, Inabanga Bohol, PNP, abella, AFP, Inabanga Bohol, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.